ANG KARANIWANG PARAAN NG PAGPAPAKUMUNYON SA MAYSAKIT

 

MS - Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo AMEN.

MS - Ang kapayapaan ng Panginoong Hesukristo ay mapasatahanan nawang ito at sa ating lahat na naririto. Amen.

MS - Mga Kapatid, bilang paghahanda sa pagtanggap kay Hesukristo, magsisi tayo’t humingi ng kapatawaran para sa ating mga kasalanan

Lahat- Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos at sa inyo mga kapatid na ako’y lubhang nagkasala sa isip, salita at gawa, at sa aking pagkukulang, kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga kapatid , na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

MS- Kaawaan tayo ng mga kapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo hanggang sa buhay na walang hanggan. AMEN.

MS- Mga kapatid buksan natin ang ating mga puso, upang makatagpo tayo ng liwanag at lakas sa mga banal na salita ng Diyos.

MS- Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.(Lahat: Papuri sa Iyo Panginoon) Winika ni Hesus sa kanyang mga alagad: îAko ang daan, ang Katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan koî

MS- Ito ang Salita ng Diyos, Salamat sa Diyos

MS- Ngayon ay atin pong dasalin ang panalaging itinuro ng Panginoong Hesukristo.

Lahat- Ama Namin...

MS- Ito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad ang inaanyayahan sa kanyang piging.

Lahat- Panginoon hindi ako karapatdapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

MS- Katawan ni Kristo Maysakit: AMEN

MS- Manalagin tayo. O Diyos na aming Ama, makapangyarihan at walang hanggan, buong pananalig kaming dumudulog sa iyo. Ang amin nawang kapatid na si __________ na tumanggap ng katawan ni Kristo ay magkamit ng kalusugan ng kaluluwa’t katawan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. AMEN.

MS- Pagpalain at patnubayan nawa tayo ng makapangyarihan at maawaing Diyos ang Ama, ang Anak, at ng Espiritu Santo. AMEN.

Home

MinSick

item4
Picture2
Cathedral Parish of St. Joseph
item4a
item4b
item4c
item4a1
item4b1
item4d
item4e