PAGTATALAGA NG MGA LAYKONG LINGKOD PARA SA MAYSAKIT Parokya ng Katedral ng San Jose Disyembre 08, 2008 Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria
(Pagkatapos ng Panalangin pagka Komunyon) Pari: Lumapit ang mga hinirang na Lingkod Para sa mga Maysakit.
Pari: Ngayong kayo ay nakapakinabang na, at natanggap ang Katawan ni Kristo, kaugnay ng inyong pagkatao ang Paghubog ng Simbahan upang kayo ay lubusang maging lingkod, kayo ay inihaharap sa altar ng Katedral at sa inyong likuran ang Sambayanan, mangyari lamang na mangako kayo sa kaibuturan ng inyong puso at sa ngalan ni Hesukristo!
Pari: Nangangako ba kayo, na mula sa kalinisan ng inyong kalooban ay buong puso kayong maglilingkod sa kapakanan ng mga maysakit alinsunod sa atas at alituntunin ng ating Obispo at sa Unang Sinodo ng Diyosesis ng Balanga?
Lahat: Opo, nangangako po kami!
Pari: Kung gayon, pakilagay ang inyong kanang kamay sa inyong dibdib.
Manalangin tayo(nakalahad ang kamay ng pari)
Amang mapagmahal, sa pagkalinga ni Kristo para sa mga maysakit, nawa’y maging tunay na saksi ang mga Laykong Lingkod na ito sa dakilang awa ng Diyos. Nawa’y maging malinaw na larawan ni Hesus ang mga maysakit para sa mga pagpapakasakit na iniaalay nila para sa Inang Simbahan. Kasama ang Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria, nawa’y maging banal + ang simulaing ito, magpatuloy at magkabunga ng katapatan para sa paglilingkod ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Paghahari ng Diyos! Hinihiling namin ito, alang alang kay Hesukristong aming Panginoon, ngayon at magpasawalang Hanggan! Amen!
(Babasbasan ang mga pansamanatalang pin at isusuot ng mga katuwang na Lingkod sa kanilang collar, Babasbasan ng pari at ihaharap sa Sambayanan upang palakpakan) |
||